Kailan pa kaya?
na tayong dal'wa sa ilalim
ng lilim ng punong narra,
magkatabi, magkalingkis
ang ating mga braso,
magkadaop ang mga palad;
magkahinang
ang ating mga damdamin
habang paapuhap na sinasamyo
ang bawat tibok
ng ating mga puso't diwa.
Kailan pa kaya?