Sa pag-aakalang simpleng tinola lang ang nakahain sa mesa, nagmamadali akong umupo sa may hapag bitbit ang isang pinggan. Pinuno ko ng kanin ang plato ko, lumagok muna ng 'sang basong tubig 'tsaka sumandok ng 'sang kutsarang sabaw sa 'tinola'.
Waah! Napasigaw ako. Sus me! Ang 'tinola' ni Aunty! Ano ba yun?! Sa kauna-unahang pagkakataon, nakatikim ako ng 'tinolang' binuhusan 'ata ng 'sang tasang suka!
Ayun! Sa pag-aakalang simpleng 'tinola' lang ang ulam. Pers taym teh! Sinigang pala ang tawag nun. Ang sabi ng Aunty, 'yun daw ang paborito ng mga Tagalog (dahil nakapag-asawa siya ng taga-Bulacan at napabisita lang siya sa probinsya namin). Naman eh! Ang asim, babe!
No comments:
Post a Comment