Katulad ng mga ulap na handang itago ang
damdaming mangingibabaw ng langit,
kumuha siya ng papel at panulat, nagbabasakaling
malambungan ng mga salita
ang paghihirap ng kanyang puso't diwa.
Paano ba lisanin ang nakaraang
mas masaya kaysa sa kasalukuyan
na naglulunod sa iyo sa kalungkutan
at pangungulila sa taong dinadambana?
03/28/12
No comments:
Post a Comment