Monday, May 23, 2011

After

 ------if you came to know me, you'll make a guess *I can feel it*. But please, if you have an idea who's this man be, keep it. Toss it away.

Now's the convention's over, napapatula na naman ako. I'm beginning to love this feeling since my stay at the resort dahil nakikita ko siya araw-araw kung 'di man sa bawat sandali.

Hindi. Hindi siya masyadong kagwapuhan, aktibista nga lang.
Ang biloy sa pisngi niya ay tama na upang ako'y mawawala sa sarili.
Alam ko. Hindi tama pero anong magagawa mo sa pusong baliw?
Wala. Wala kang magagawa dahil hindi sa'yo ito.


Bait niya kasi. Nakakahumaling ang kabaitan niya.
*Ang kulet!* ika nga nila.
Gusto ko nga sana s'yang kalabitin at sabihing, " 'pingi naman number mo."
Kaso, dalagang Pilipina eh, modest. Prim and proper kumbaga.


Wala. Wala akong ibang memorabilia niya kundi pictures lang.
Pasasaan ba't pag na-i-add niya na ako sa FB,
Aba'y eh, bonggang-bonggang kasiyahan ng puso ang mararamdaman.
At least man lang.


Love doesn't end there. Magkikita pa rin kami.
Ipininta ko ang mukha niya sa isip ko
Sa susunod na araw, sa puso na naman.
Madali siyang ipinta, hindi ako mahihirapan.


I'll cherish those days na and'yan siya sa aking harapan.
His face lingered in my mind every time I'm closing my eyes.
At kahit nga ako'y gising, mukha niya ang nasa aking balintataw.
'wag niya lang kalimutan na minsan, kami ay nagkakakilanlan.


In my dream during the last night of the convention, I saw you.
Lumingon ka, natulala ako.
Bakit ba? Dahil sguro luka-luka lang ang puso ko.
Sana, sa totoong buhay, sa paglingon mo, nakangiti na ako.


It's so hard to express a feeling you tried to suppress because you're a girl. The idea of girls should still submit themselves to proper comportment is what I have now. I know that a girl should wait for the one she wants to. Ngunit parang gusto ko ng kumawala eh. Ang hirap. 'yong gusto mo, ayaw sa'yo. O 'di kaya'y may gusto sayo ngunit takot lang lumapit. Pambihira naman, oo. Ano ba ako, multo at kayo'y natatakot?


No. I'm not paranoid yet. Just trying to be. This is not a heck. It's just the beginning of the suffering. Ayoko munang ipapasa-Diyos ito. Laugh. Come on! I can endure you're smirks while reading this.


I am hoping earnestly that, he may accept the request any hours from now. At kung hindi, goodbye Pilipins (with diin yong pagkakabasa). Sa drims na lang tayu magkita. wiiiii...


Hindi. No goodbyes. We have not started yet. Come hell or high waters, magkikita rin kami ulit. Basta't di pa siya nag-aasawa at hindi pa committed. Go!




----One thing's sure: I'm wearing my heart on my sleeve again. Pero hayaan mo na. Alam kong 'di mo siya kilala. hahaha. At kung kilala mo man, 'wag mo siyang pagtrippang i-tukso sa'kin.

No comments:

Post a Comment