Mulat na ako. Noon pa. Noon pa bago kita nakilala. Noon pa. Di pa ako naging kasamahan ng mga manunulat. Simpleng mag-aaral lang na walang ibang iniisip kundi ang sarili kong mundo na puno ng salita, imahe, kalituhan at mga pagnanasa na sana maging bahagi ako ng lipunan sa kanilang mga pinaglalaban. Ngunit nalaman ko kamakailan lang, komplikado pala ang mga ninais kong gawin sa buhay.
Nasa harapan ko na yun noon. Di ko sinunggaban ang oportunidad na inilalahad sa akin. Bakit? Dahil sa takot. Oo, naiintindihan ko ang nais nila. Nakuha ko ang ibig nilang iparating at kanilang mga pinaglalaban. Pero mas malaki at malawak ang naangking bahagi ng puso ko ni Takot. Sinupil niya ang kakayahan kong lumaban at maging lider. At ang kakayahan ko ring maging matapang na mamamahayag.
Idinagdag pa ang estado ko sa buhay. Ang kahirapan na siyang nagpatindi ng aking mga pag-aalinlangan.
Sa katunayan, pinalaki akong may takot sa Diyos. Sa Diyos na hindi nakikita ngunit nararamdaman. Sa Diyos na hindi mo makikita ngunit tinatanaw ka. At iyon ang dahilan kung bakit di ko kayang sumunod; di ko kayang maging matapang o kaya'y magtatapang-tapangan man lang. Nilamon na ng pagkasindak at kilabot ang puso ko't kaluluwa. Bakit uli? Dahil sa mga balita sa radyo at telebisyon at sa mga imprinta sa mga dyaryo. Pinanghinaan ako ng loob sa mga naririnig ko at nakita -- sa mga aktibista at mga taong may malasakit sa kapwa at bayan na lumalaban, nasasaktan at ang iba ay biglang nawawala at pinatay; na kung saan ang tanging nais lamang ay katarungan, pagkakapantay-pantay, karapatan, kalayaan, katapusan ng bangayan at marami pang iba na nakakapanghilakbot sa puso at diwa para sa taong tulad ko na nasanay sa katahimikan doon sa kaparangan.
Mahirap pa sa kahirapan ang aking nararamdaman ng ako'y kanyang nilapitan at kinausap. Katulad ko, dati siyang namuhay ng payak hanggang sa tinugo niya ang tawag ng mga inapi at inabuso. Tama rin naman si Kuya sa mga idelohiya niya. May punto rin. At oo, pinsang buo ko siya. Ngunit di ko pa kayang maging tulad niya. Ayaw pa ng apog ko.
Pero, naisip ko rin, kelan kaya ako magkakaroon ng lakas ng loob na tulad ng sa kanya upang kahit man lang ay makatulong ako sa kapwa kong naapi at pinahihirapan. nakita ng mga mata ko ang katotohanan ngunit pilit kong ibinaling ito sa kawalan at nag-astang wala akong nakita at kung meron man, isa lang iyong malagim na bangungungot na mawawala rin kung ako'y gising na. Ngunit napakalagim nito na lagi akong hinahabol. Gusto ko ng magpatianod ngunit kinagat ako ng aking konsensya. Nasaan na daw ang pagiging Kristiyano ko? Handa ba raw ako sa kahihinatnan ng mga desisyon ko? Natulala ako ng ilang sandali at naalala ang nasabi ng aming pastor ng minsa'y kami'y nagkausap: Panindigan mo ang mga gagawin mong desisyon. At kung gagawa ka ng pasya, isipin mo ang mga taong nasa paligid mo na nagmamahal sa yo at umaasa sayo bilang tanging taong mag-aalis sa kanila sa kumunoy na kanilang kinalalagyan. Gusto ko na sanang sumagot no'n ng "Bakit, superhero ba nila ako?" ngunit tinikom ko ang aking bibig.
Ngayon ko rin lang naisip; mahirap magpakatao. Tao ako ngunit kailangani ko pang isipin ang iisipin ang iba, ang kinabukasan nila, ang buhay nila, ang lahat-lahat. Napagtanto ko [dahil babae daw ako] sa pamamagitan ng kanilang mga pag-aalala at pagmamahal. May mali dun, eh. At yun ang nais kung itama. Kaso, mahina ang loob ko. Akala lang nila yun na kaya kung humarap sa mga paghihirap sa lahat ng pagkakataon. Muli, mali sila.
Nahihirapan din ako sa kasalukuyan sa pagtukoy kung ano talaga ang aking ipaglalaban. Ang kababaihan ba o ang kabataan. Ang kalikasan ba o ang mga mamamayan. Gayunpaman, malalaman ko rin yun, sa takdang panahon.
Umaasa na lang ako na sana babalik na ang naglalagalag kong tapang at magkakalakas-loob na akong sundin ang puso ko. Nakakapanira ng adhikain kasi ang utak minsan.
Matagal na akong namulat. Hindi ako tanga; nagmamaang-maangan lang. Sana magkakatibay ng loob na ako at sana, may susuporta kung darating man yun. Hindi pa rin mawawala ang katotohanang babae ao at hindi ako superhero.
Sa pagbabalik ng naglalakbay kong tapang, umaasa ako na tama aking magiging pasya.
-----
Merdolyn
Oct. 08'11

No comments:
Post a Comment