Wednesday, August 24, 2011

Mga Tula ng Lalaking Na-In-Love *part II

Aanhin ko ang popular at mapormang babae
kung nabo-boring ako kung siya ang kasama.

Aanhin ko ang sobrang sweet na babae
kung hindi ko ma-feel ang ginagawa niya.

Aanhin ko ang pagpapa-cute nila
kung wala naman akong balak pansinin sila.

Dalawa lang ang alam kong dahilan
kung bakit 'di ko sila magustuhan:

Mahal na kasi kita at sayo lang ako masaya.

~~~~~
Hihiramin muna kita ngayon sa panaginip,
dahil sa panaginip lang ako may pag-asa sa'yo.

~~~~~
Ako sa'yo'y nag-aabang;
Ako sa'yo'y naghihintay;
katulad ng isang bata na umiibig.

~~~~~

No comments:

Post a Comment