Sunday, August 21, 2011

Mga Tula ng Lalaking Na-In-Love

Mapupulang labi,
Nakakaakit na mga mata;
nakahuhumaling na ngiti,
halakhak na nakakadala.

Oh magandang binibini
Sa bawat sandaling ika'y kasama,
puso'y sumisigaw at maligaya.
Ang maging akin ka ay isang tagumpay na maituturing
pagka't pilit binabaon ng puso ko
sa utak ko ang katagang "Pangarap lang kita."

~~~~~

Sa tuwing nag-iisip, ikaw ang naaalala.
Sa tuwing tulala, ikaw ang nakikita.
Kung titingin ng mga larawan,
mukha mo ang pinagmamasdan.

PUSO! Muling umiral at hindi mapigilan.
Isang binatang umiibig, nangangakong hindi mananakit.
Ikaw ang pangunahing dahilan
kung bakit 'to naramdaman.
Atensyon ko't pagtingin, lahat sa'yo ibabaling.

~~~~~

Ayan!
Ipakukulong kita
sa salang pagdadala ng deadly weapon:
makatunaw na tingin,
pamatay na ngiti at nakakp-psycho na tinig.
Meron Pa!
Trespassing ka!
Bigla-bigla kang pumasok sa puso ko!
Hindi ka na makakalabas
dahil 'yan ang selda
sa kaliwang dibdib ko.

~~~~~
These are my colleague's poems composed in his desperation for love. Or should I say, because he's "intensely" holding someone so dear. I was encouraged to post this because it's unusual these days for men to write poems to someone they have a thing about or keenly observes with.

To Geferd Entendez Gonzales, as promised, here are your poems. I haven't able to make titles: it's up to you on what will be the titles of your "balak" to her. I hope this girl you appreciate so keenly will also recognize the value of these compositions. Godsend to your efforts!

Merdolyn :)

No comments:

Post a Comment